Binata, 15, tinaga ang sariling kamay dahil binintangan siya na 'blasphemous' — TomoNews

TomoNews Philippines (Filipino)
TomoNews Philippines (Filipino)
Like us on Facebook: www.facebook.com/TomoNewsPHJoin our Google+ circle: www.google.com/+TomoNewsPHOKARA, PAKISTAN — ...
Like us on Facebook: www.facebook.com/TomoNewsPH
Join our Google+ circle: www.google.com/+TomoNewsPH

OKARA, PAKISTAN — Ang blasphemy o kalapastanganan ay iligal sa mga Muslim sa Pakistan at kamatayan ang parusa dito. Pero walang klarong paliwanag sa batas nila kung anong asal ay kalapastanganan. Ayon sa Al Jazeera, halos 65 na biktima ay pinatay na ng mga tao dahil sa mga totoo o di totoong kasalanan sa Propeta, Koran, o Islam simula 1990.

Pero ang ginawa ng isang 15 years old na binata sa bayan ng Lahore ay medyo nakaka kilabot.

Si Mohammed Anwar ay dumayo sa isang sermon noong nakaraang linggo. Ngunit siya ay nag-de-daydream. Tinanong ng Imam na si Shabbir Ahmed ang mga audience kung sino sa kanila ang hindi nagdadasal at hindi mahal si Prophet Mohammed. Nabigla si Anwar sa tanong at akala niya ay tinatawag siya kaya sabi niya "Ako!"

Matapos siyang tinawag na blasphemer sa harap ng mga tao, umuwi si Anwar at tinaga niya ang sarili niyang kamay.

Ipinakita ng binata ang putol niyang kamay sa plato at ang duguang braso sa imam. Ayon sa mga reports, habang naglalakad daw ang binata sa bayan, siya ay pinuri ng mga tao at ng sarili niyang ama na sobrang proud na proud sa kanyang anak na wala nang kamay. At siguro dahil wala na siyang kalapastanganan.

Pero siguro matutuwa kayo na ang Imam na si Shabbir Ahmed ay naaresto na noong Sabado dahil sa mga maka-teroristang paglabag sa batas at sa ginawa niya sa binata.

Hmmm… alam niyo ba ang terrorism ay isang capital offense sa Pakistan? Ano sa tingin niyo? Dapat bang bitayin si Ahmed? O dapat gumanti ng mata sa mata?

O sa lagay na ito, kamay sa kamay.

---------------------------------------­--------------------

For news that's fun and never boring, visit our channel:
tomonewsph

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
Facebook: TomoNewsPH

همه توضیحات ...